Naospital ako last July 2, 2009, actually, dinala ko ang sarili ko sa ospital ang tamang term, dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko sa kaliwang bahagi ng puson ko. Ang ihi ko may dugo, at ang hapdi, hindi ako maka ihi ng tuloy tuloy, pero punong puno ang pantog ko.

Nagpa alam ako sa bisor kung pede ako mag undertime, para pumunta ng hospital. Dahil nga hindi ko na kaya ang sakit. Sabi ba naman ng head namin, hindi ko daw ba maantay till 8 o’clock. hellleeerrrrr… 10 minutes before 8 pa. Mag co collapse na ako kung aantayin ko pa mag 8pm. Ayaw ko gumawa ng eksena noh. Sumigaw pa nga siya ng ganito HINDI BA MADADAAN SA IMODIUM YAN?

HELLO! HINDI AKO NATATAE. BABAE KA BA?

Sa sobrang inis ko, grace under pressure pa rin ang drama ko, ayaw ko kasi ng eksena na hihimatayin pa ako sa opis at bubuhatin ako ng crush ko papuntang hospital, though nakauwi na siya that time. hehehe…

Bumaba ako ng elevator, nakalimutan ko itransfer ang funds ko para makapag withdraw ako. Nagtext pa ako kay joyce para itransfer nya tru net. Then withdraw after 10minutes.

Sumakay ako ng taxi, buti na lang pwede ng sumakay sa unloading area. Sabi ko sa driver, Makati Med. Kinausap niya pa ako, sabi niya “Buti pwede ng sumakay dito.” sabi ko na lang “opo, gabi na kasi,” ng nakangiwi.

Sabi ko bilisan niya dahil hindi ko na kaya, pero bakit ganun? pakiramdam ko ang bagal ng oras, lahat na lang ng may stop light, hinintuan namin, at pakiramdam ko ay nag antay pa kami ng 10 minuto kada stop. Naiiyak na ako. Tinanong niya ako ano daw ba masakit sa akin. Sabi ko puson, sabay pahilig na tumingin sa may bintana. Feeling ko nga sumigaw ako o sinigawan ko yung mama na “Bilisan niyo manong, feeling ko manganganak na ako.”

Pagbaba ko ng taxi, 37.50 ang nasa metro, 40 lang inabot ko, yung tig te-ten petot na iniipon ko.  Sabay labas at lakad diretsong E.R. buti na lang may kasunod na pasaherong sumakay sa taxi.

Umupo ako sa may pila ng mga pasyente, ang daming nakaupo nasa dulo ako. Ayun pala puros kasama ng pasyente yung naka upo. Buti na lang dalawa lang yung naunang pasyente sa akin, mabilis silang natawag kaya nasa unahan na kaagad ako.

Umupo ako sa unahan, napatingin sa kawalan, napatingin sa mga taong nag aantay sa kani kanilang pasyente, biglang pumatak ang luha ko at napa dausdos ako sa upuan na parang gusto ko na lang mag collapse. Dumating ang nurse, may dalang wheelchair at dinala ako sa ER.

Eto na naman ako, nandito na naman ako sa ER ng MMC, parang kailan lang nandito ako dahil sa pagkadulas sa CR, tapos eto na naman, mas matindi nga lang ang sakit na nararamdaman ko ng mga oras na yun.

Pinalipat ako sa higaan, may lumapit na doktora, tinanong ako kung anong nararamdaman ko at ng ma assess na nya siguro kung ano ang masakit sa akin, sinabi niya na tuturukan niya ako ng dextrose.

SALAMAT NGA PALA SA MGA SUMUSUNOD

ER DAY:

CAT – ang ka dorm mate ko na lagi kong nahahatak sa MMC kahit na sinumpa na niya ang MMC. Pumupunta pa rin siya para magbigay ng impormasyon tungkol sa akin.

A. BEVS – ang ka dorm mate ko na laging pumipirma sa registration area. hehehe

tEXT NIA saken: ANO NA NAMAN BA NANGYARI SAYO? KUKUTUSAN NA KITANG BATA KA EH! – OUCH…wawa naman ako, may sakit na nga kukutusan pa. hehehe

Joyz – laging di naniniwala na nasa MMC ako pero laging Nandun pag sinabing pumunta hehehe

Precious – tnx.

Nadz – ang kasama ko sa sideline, na tinext ko lang na nasa MMC AKO, ETO SAGOT NIYA,  SIGE PAPUNTA NA AKO DYAN!  —wow galing pa ng Cubao yan ha. hehehe

JERO – ang kagigising lang na BF ko, takbo ER.

KAGER AT KADEREK – MGA KUYA KO NA ATE KO…

DAY 1

JERO, kaDEREK, KAMEL, JYR AT SAI – NAG AYOS NG PHILHEALTH KO, kAGER

DAY 2

kADEREK, KAGER, M’TC AT M’PM – mga nakinood sa shooting? HEHEE, Mark, Aron, Romeo – mga kadorm mate na pinagtripang piktyuran ang kuya kong natutulog sa kama ko. hahaha, CAT, A.BEVS – ALIGAGA, DI NATULOY ANG DATE NIYa dahil sa kin hehehe., DL – HIMALA, nag stay pa till 2am, Joyz and PAT the love team – 5am na sila umuwi, binili nila ako ng pancake dahil di nila ako pinatulog. A.Mitch and Rolvie, Kaderek.

Day 3 Jero, Nanay, Kyla, Kaderek, Syempre inabot pa si Joyz at Pat.

Day 4 Jero, Kager, Kamel, UMUWI NA AKO! ako pa nagbayad sa cashier para lang makalabas, parang hindi ako ang pasyente hehehe…

May mga araw at gabi na wala akong bantay, doon ako napapaisip na, ang hirap talaga pag malayo ang pamilya mo. Nakakalungkot, pero nakakapag muni muni ako kahit sandali.

Ang mga piktyurs na ito ay patunay ng mga katigasan ng ulo ko. hehehe

YAW KO NG BUMALIK NG MMC…

 

Image089 Image091 Image097

Image098 Image103 Image107

Image108 Image117

Image118 Image126