hindi ko alam kung paano tatanggapin ang lahat ng nangyari.. hindi naman yun ganun kadali. hindi ko rin mapigilan na sisihin ang sarili ko sa mga nangyari, dahil wala namang ibang dapat sisihin. hindi ko rin maiwasan na magtanong ng bakit. ang alam ko lang.. hindi ko talaga alam o hindi ko lang pinansin talaga? hindi ko inalagaan ang sarili ko. hindi ko binigyan ng atensyon yung mga pagbabagong nagaganap sa katawan ko. hindi ko alam kung sadyang tanga lang talaga ako o kaya siya kinuha dahil sarili ko nga hindi ko kayang alagaan, kaya nawala o kinuha na lang siya. ngayon? hindi ko pa rin alam how to cope up. hindi na ako yung tulad ng dati na pag gusto ko sa bahay, sa bahay lang. ngayon? ayaw ko sa bahay. ayaw ko mag-isa. nakakatakot. ang dami mong iniisip. ang daming gumugulo. ang daming tanong. pero laging bakit? at paano? ngayon, hindi ko talaga mapigilang umiyak kahit nasan ako. pag nakakakita ako ng buntis. ng baby. ng mag-asawang may dalang bata. yung mga batang naglalaro sa kalsada. yung mga pamangkin ko. pag tinitingnan ko sila. naiinggit ako. naiinggit sa isang bagay na ipinagkait ko mismo sa sarili ko. nakakainis. nakakabagot. lahat ng pwedeng paglibangan ginagawa ko. lahat ng pwedeng rason bakit siya nawala, iniisip ko. lahat ng pwede kong isisi sa sarili ko, sinisisi ko. lahat ng pwedeng gawin, para wakasan yung sakit na nararamdaman ko, sabi ko ibo-blog ko lang yung mga nangyari sa akin sa hospital. hindi yung totoong nararamdaman ko. pero lahat ng hindi kaaya ayang nangyari sa ospital, paghahanap ng ospital, hindi ko na naiisip. naiisip ko lang yung sakit. lahat ng pwedeng awayin, singhalan, pagsungitan, ginawa ko. kahit yung pamangkin ko. naiinis kasi ako. lahat ng pwedeng gawin para i-cheer up ang sarili ko, ginawa ko. katulad ng pagtetext kahit kanino. katulad ng paglalaro ng poker sa fb, ng ft, ng plants vs. zombies. makinig ng music ng malakas. magbasa. bumili ng libro. lahat balewala. kasi may isa akong nakalimutan.

hindi ko alam na lahat ng bagay na nangyayari sa akin ay dapat kong isangguni sa KANYA. LAHAT LAHAT NG NARARAMDAMAN KO SABIHIN LANG SA KANYA. PERO HINDI KO MAGAWA. KASI NAHIHIYA AKO SA KANYA. SARILI KO LANG INIISIP KO. NI HINDI AKO MAKATAPAK SA TEMPLO NIYA NGAYON. PAKIRAMDAM KO KASI, AKO NA YUNG PINAKAMAKASALANANG TAO SA MUNDO. SA PAGPATAY SA SARILI KONG ANAK.  

“NAKALIMUTAN KONG MAGPASALAMAT SA LAHAT NG BLESSINGS. THANK YOU LORD GOD. SORRY, NAGING PABAYA AKO SA BLESSING MO… “