bakit ganun? pag nasa harap na ako ng computer, hindi ko na maisulat yung mga naiisip ko gabi gabi…

pag mag-isa ako, ang daming tumatakbong ideas sa isip ko. na dapat hindi ako nagpupuyat, dahil bawal sa health ko ngayon ang magpuyat, pero wala akong magawa, lagi na lang alas tres, alas kwatro na ako nakakatulog. yung kahit pilitin mong matulog, wala lang. hindi ka talaga dalawin ng antok. kasi nga ang daming gumugulo sa isip mo. kahit na iwaksi mo sa isip mo yung bad thoughts, wala talaga. ayun, pilit na sumisiksik sa isip mo yung mga nangyari. nakakainis. kahit gusto mo isulat. ayaw naman gumana ng utak ko. ayan, tinatype ko na, pero hindi ito ang gusto kong isulat. hindi ito ang tumatakbo sa isip ko ngayon. hindi ko lang talaga maisulat, kasi, iiyak lang ako…